Banghay - ARALIN sa Pagtuturo ng Filipino 1
I. Paksa/Mga Kasanayan/Mga Kagamitan
Paksa : Pagkahumanismo ng Akda
Susuriing Genre : Tula
Halimbawang Akda : Ang Pamana
Ni Jose Corazon Aragon de Jesus
Mga Kagamitan : Sipi ng tula, CD, tsart, Laptop, larawan
Kasanayang Pampanitikan : Pagtutukoy sa magagandang
katangianng tao sa akda
Kasanayang Pampag-iisip : Matalinong pagpapasya
Halagang Pangkatauhan : Pagpapahalaga sa damdamin
ng kapwa
II. Mga Inaasahang Bunga (Bawat Araw)
A. Nakapaglalahad ng mga pangyayari/karanasang kaugnay sa mga pangyayaring nakapaloob sa tula.
B. Mga Layuning Pampagtalakay
B.1. Pagsusuring Panglinggwistika
Natutukoy ang mga elementong ponemiko ng tula (sukat at tugma).
B.2. Pagsusuring Pangnilalaman
Naiisa-isa ang mga nais sabihin ng tula sa mambababasa (sa sarili at sa iba / sa indibidwal at kalahatan)
B.3. Pagsusuring Pampanitikan
Nailalapat ang mga katawagang pampanitikan sa pagbasa.
C. Naiuugnay ang mga karanasan sa tula sa aktwal na karanasan.
D. Nakasusulat ng liham kaugnay ng paksa ng tulang binasa.
III. Proseso ng Pagkatuto
Unang araw
A. Mga Panimulang Gawain (5 minuto)
Mungkahing Istratehiya :
Pakikinig sa Awit na “Anak ni Freddoie Aguilar”
B. Pagtalakay sa Nilalaman ng Awit (15 minuto)
a. Mensahe ng awitin.
b. Kaisipang inihahatid ng awitin.
Pagganyak (20 minuto)
Mungkahing Istratehiya : FACT FINDING STRANDS
(Batay sa isang tanong)
Pamamaraan :
1. Magtatanong ang guro ng iisang tanong lang para sa lahat ng mag-aaral ngunit pangangatwiranan ito.
2. Ipupuno ang sagot sa loob ng kahon.
3. Gagawa ng kongklusyon ang klase batay sa mga sagot na nasa loob ng kahon
Tanong:
· Kung kayo ang masusunod, ano ang gusto ninyong manahin sa magulang? Bakit ito ang gusto mo?
|
Pagpapabasa sa Tula. (10 minuto)
Mungkahing Istratehiya : Madamdaming pagbasa ng isang magaling na mag-aaral at pagkatapos ay sabayan naman.
ANG PAMANA
(Tula ng damdamin ni Jose Corazon de Jesus)
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman”.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling
Nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
“Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin
at huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?
“Wala naman”, yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
mabuti nang malaman mo ang habilin!
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.
“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay”.
IV. Pangkatang Gawain: (30 minuto)
A.
Pangkat 1 at 2: Pagsasadula ng mga tiyak na pangyayaring inilahad
sa tula.
Mungkahing Istratehiya : (Pipipli ang pangkat ng isasadula mula sa apat na saknong)
Pangkat 3 at 4: Pagguhit ng isinasaad ng mensahe ng tula
Mungkahing Istratehiya : Pagguhit ng imagery batay sa tula at ipaliwanag kung paano isinasaad ang mensahe ng tula mula sa iginuhit.
Pangkat 5 at 6: Pagbubuod sa tula.
Mungkahing Istratehiya : Story Ladder- Gagamitin ito para maibigay ang buod ng tula sa pamamagitan ng pagsasalaysay.
B. Pagbabahaginan ng gawain sa pagbubuod. (10 minuto)
Magaling! Two thumbs ud para sa iyo!
TumugonBurahinCasino in Las Vegas: Guide & Info on the Best Casinos in
TumugonBurahinFind a Casino in gri-go.com Las Vegas and play games goyangfc like septcasino.com blackjack, roulette, craps and more! We've got septcasino the complete gaming experience, exclusive 바카라 사이트 restaurants,